Powered by Bravenet Bravenet Blog

Subscribe to Journal

Tag Board

Susan: Hi tess,thanks for the nice complimment about my journal,you've got a nice one too okey until next time and take care always.
Jona: Hey.. I saw your tag at Susan's journal. I's thought to stop by... I went to Novaliches once but didnt stayed there longer. I stayed in Paranaque when I was working my papers. Ok Ingat.. greetings from Alabamaba USA
Susan: I enjoyed reading your post heremit's very interesting.have a great time:

Please type in the four characters shown in the black box.

Monday, October 17th 2005

10:05 PM

My Nemo!!!

Nanggigigil ako.

Sa totoo lang, nagpunta kami sa Star City bilang selebrasyon sa pagtatapos ng ilang linggong pagod, puyat at tensyon sa paghahanda para sa Family Day, bukod pa sa maraming mga gawain (na hindi ko na halos maumpisahan, kaya't paano pa kaya tatapusin?) ng normal (?) na guro. At syempre, dahil libre ang ride-all-you-can “bracelet” namin at mayroon kaming magagamit na sasakyan. Lingid sa kaalaman naming gagastos kami ng higit na malaking halaga, ngunit hindi ito ang pinanggigigilan ko.

Masaya naman talaga ang labas naming ito: nakipagsiksikan kami sa mala-bus station na bilihan ng gate pass, umalsa at tumikwas ang buhok namin sa Zyklon Loop, lumabas kami ng Mummy at Haunted House na hagalpak sa tawa ang iba kahit pasa-pasa ang braso dahil sa pangungunyapit ng ilang hindi naman daw talaga matatakutin kundi magugugulatin lang, nahilo at halos nasuka-suka kami sa Viking, nanlait ng mga sumasayaw mula sa mga ‘di namin kilalang eskwelahan na sumali sa hip-hop dance contest, nabugbog at nagka-hematoma sa Blizzard, at naglaro ng arcade games. Ngunit ang nakapanggigigil sa akin ay ang naglalakihang Nemo at iba pang stuffed toys sa mala-peryang set-up na maaari mong mapanalunan kung, sa tatlong sunud-sunod na pagkakataon ay magagawa mo ang isa sa mga ito:
a. mailagay ang tokens sa ibabaw ng kwadrado, madulas at magkakalayong mga salamin
b. mapatigil ang lobo sa isang butas na may kulay
c. maka-shoot ng bolang kung hindi maliit at magaan ay sobrang matalbog naman
d. makabingwit ng bibe na kung papalarin ay may kulay sa pwet na katumbas ng malaking stuffed toy
e. maka-shoot ng hugis-donut na plastic sa leeg ng mga bote
f. matanggal ang tatlong bagay na nakapatong sa istante gamit ang tila pato ng Chinese jackstone o kaya nama’y baril-barilan.

Nanggigigil ako dahil kahit ilang tokens na ang nabili ko, hindi ko pa rin nakuha ang higanteng Nemo. Hindi siya ‘yung tipong mabibili lang sa SM sa halagang P399.75 (oo, ilang beses ko na ring pinag-isipan ‘yun) dahil di-hamak na mas malaki siya! At pang-asar pang makita pamaya’t maya ang ilang nakakuha nito na palibut-libot sa lugar na iyon, na para bang nang-iinggit pero kunwari hindi. Lalo na ‘yung pamilyang lahat na yata ng higanteng stuffed toys ay bitbit na nila. Mga hambog, mga manhid, mga ganid!!!

Marami na rin akong naisip na istratehiya para lang makuha ang kahit hindi na Nemo, basta higanteng stuffed toy. Halos lahat ng klase ng laro ay sinubukan na namin, ngunit ang nakuha ko lang ay isang bolpeng may ulo ng manika at ostrich feathers, at ang nakuha naman ng isa pa ay maliit na key chain at maliit na giraffe stuffed toy lang. Nakakahiya mang aminin, pinag-isipan ko talaga kung paano makakapandaya, at ang isang paraan ay palagkitin ang tokens para kumapit sa salamin. Hindi nakatulong ang dalawa sa aking mga kasamang tinanong ko, dahil parehong “Kulangot!” ang sagot nila. At mga babae ang mga ito, kaya ‘di ko na sinubukan pang hingin ang suhestyon ng mga lalaki. Naisip kong ilubog ang tokens sa Coke at patuyuin ng kaunti, pahiran ng nanlalagkit  ko nang pawis, o kaya ay pahiran ng caramel ng Snickers. At noon ngang nakita ko ang itinitindang yema ay ‘di na ako nagdalawang-isip pa. Hindi ko tuloy namalayang hinahanap na pala ako ng mga kasama ko, na nagulat nang makita akong may pinaghahandaan nang maitim na balak. Ngunit kung kailan naman meron na akong pandaya ay saka lalong nanginig ang mga kamay ko at isa lang ang tumama sa salamin; ang iba ay sakto sa mga puwang sa pagitan ng mga ito. Bakit hindi ako umulit? Nahiya na ako sa Great Maker of All Things Bright and Beautiful, All Creatures Great and Small. Malalim talagang mag-ugat ang mga naituro sa kindergarten. Tsk! (Pero teka... hindi naman ako nag-kindergarten ha?)

Naisip ko ring gawing boyfriend ang isa sa mga nakakuha ng stuffed toys, at habang iniaabot na niya sa akin ang higanteng Nemo, bubulalas ako ng “My hero!”, sabay pakikipag-break. Pero syempre naman, hanggang imahinasyon ko lang ‘yun, dahil hindi ko kayang manggamit ng iba at magpa-damsel in distress.

Napagtanto tuloy ng isa naming kasama na kung may krimen kaming gagawin, maaasahan akong magplano ngunit hindi maaaring maging gun man dahil makukunsensya ako at siguradong kami ay mabubulilyaso. Naintindihan na rin namin kung paano nalululong ang iba sa sugal. May iba’t ibang pakay at dito, baliktaran ang the end justifies the means (para sa gustong makuha ang premyo) at the means justifies the end (para sa gustong patunayan ang galing sa pag-shoot o ano pa man, kahit ano pa ang premyo). At ang unang nabanggit ang nagtulak sa dalawa sa amin na bumili muli’t muli ng mga tokens, kaya naman hanggang ngayon, maisip ko lang ay nanggigigil pa rin ako.

Malaman ko lang kung saan, bibili talaga ako ng sarili kong higanteng Nemo.

0 Comment(s).

There are no comments to this entry.

Post New Comment

 BraveJournal Member Non-Member
No Smilies More Smilies »
Please type the letters you see